Ang Undas ay mas kilala sa tawag na Araw ng mga Patay o Todos Los Santos (na may kaakibat na birong “Todas” imbes na “Todos”). Nakaugalian itong tawaging Undas sapagkat ito ay inoobserba sa unang (mula sa salitang “uno”) araw ng Nobyembre. Ito ang unang pagkakataon na hindi ako nag obserba ng Undas sa Pilipinas. Sa pagkakaalala ko, simula limang taong gulang ako hanggang noong 2007, ay walang palya ang aming pagdalaw sa sementeryo tuwing araw ng patay.
Ang labi ng aming mga mahal sa buhay (mother side) ay sentralisadong nakalibing sa Laguna. Ilang linggo bago sumapit ang Undas ay ginagawa ang lahat ng preparasyon bukod sa paglilinis ng hantungan. Nakalakihan ko na ito ay masayang pagkakataon para sa aming pamilya. Ito ay isa sa mga magandang pagkakataon para makita ko ang aking mga malalayong kamag anak. Nalalaman namin kung may bagong miyembro sa kanilang pamilya (anak, napangasawa, at iba pa; Dati ilang beses nila akong sinabihan nang “ikaw na ba yan? Ang laki laki mo na at lalo kang gumanda.” Haha. Biro lang. May mga taon kasi na bigla ang aking pagtaas at pagbabago ng hitsura. Noon namang dalaginding na ako at tinitighiyawat, kung anu-anong payo ang sinabi nila). Nakapagbabalitaan nang mga nangyari at nagboboluntaryo ng impormasyon at tulong lalo na kung kinakailangan.
Popularity: 4%
{ 10 comments }


