Tricycle

tricycle

Isa sa mga nami-miss ko sa Pilipinas ay ang pagsakay sa traysikel o traysikol (tricycle). Iba’t ibang anyo, mayroong makulay mayroong simple, mayroong normal, mayroong parang iPod sa lakas ng sounds system. Ang larawan sa taas ay natiyempuhan ko nang bumisita ako sa Pampanga noong isang taon. Sa ilang bayan sa Laguna, malalapad ang mga traysikel. Hindi siguro basehan ang lapad at timbang ng pasahero, pero dahil mas maluwang ang lansangan doon. Sa Antique naman, maliit ang traysikel pero talikuran ang istilo. Pwede pang sumakay ang apat sa likod.

Noong nagbakasyon ako sa Pilipinas, ang unang ginawa ko ay kumain ng taho na inilalako sa kalye. Sa susunod na pag uwi ko, malamang ang una kong gagawin ay kumain ng Jollibee chickenjoy at hopia na galing sa Binondo, at sumakay sa traysikel o dyipni (jeepney).

Pero hindi ako sasakay sa traysikel na may nakadikit/palamuti na letrang GMA. ;)

Share/Save/Bookmark

  15 comments for “Tricycle

  1. September 9, 2009 at 2:38 pm

    hahaha kala ko may tricycle na dyan. ganda ng design ng tricycle.
    .-= upto6only´s last blog ..The Weekend That Was =-.

  2. September 9, 2009 at 2:42 pm

    that’s how it’s pronounced in my province: traysiKOL! haha!

    the owner is a little too obsessed with lights!
    .-= fortuitous faery´s last blog ..Litratong Pinoy #63: Lansangan (Alleys/Street) =-.

  3. September 9, 2009 at 4:51 pm

    oo nga kala ko meron na dyan lolz! Astig ng dating nya ha. I bet malakas sound system nyan :)
    .-= jeanny´s last blog ..LP: Lansangan =-.

  4. cza
    September 9, 2009 at 5:03 pm

    wow.. ang colorful naman nung tricycle. :D i miss riding the tricycle.. since i started driving, i don’t get to ride it a lot already. Matry nga ulit sa weekend :)
    .-= cza´s last blog ..Resume Writing =-.

  5. September 9, 2009 at 6:11 pm

    i like the look. i actually thought GMA means the network…lol…now i know.
    .-= kayni´s last blog ..Hope Anew =-.

  6. September 9, 2009 at 10:06 pm

    maliban na lang kung gwapo ang driver, di ako nasakay sa bulok na traysikel. mga ganitong klase ang pinipili kong sakyan.

    itong pinakita mo dito over the top naman and decor ano?
    .-= Photo Cache´s last blog ..Most things in life…. =-.

  7. kg
    September 9, 2009 at 10:38 pm

    parang pag binuksan lahat ng ilaw nyan masisilaw ka!

    medyo di na makulay ang mga tricycle sa amin…mga luma na kasi. dapat siguro i-repaint!
    .-= kg´s last blog ..Discovering Bangkok: part 2 =-.

  8. September 10, 2009 at 1:00 am

    tama si kayni. kapuso yung may-ari ng tricycle. :)

    by the way, I hate tricycles!! hate, hate, hate.
    .-= Angeli´s last blog ..Luxuriating in Solitude =-.

  9. September 10, 2009 at 2:47 am

    wow, gusto ko makita ang tricycle na ito sa gabi!:P
    .-= luna miranda´s last blog ..Colon Street [lansangan] – Litratong Pinoy =-.

  10. September 10, 2009 at 2:55 am

    Kami rin rare treat yung pag sakay ng traysikel, mas mabilis kasi kung mag drive na lang. Pero minsan napapagtripan namin ni misis sumakay, lalo na kung pupunta kami sa inlaws ko, dalawang kanto ang layo.
    .-= Rico´s last blog ..LP021: Lansangan =-.

  11. September 10, 2009 at 8:18 am

    It’s pronounced “traysikol” too in my town. Maybe the sign just connotes the area its plying as in Greater Manila Area.
    .-= BlogusVox´s last blog ..On Political Immaturity =-.

  12. September 11, 2009 at 5:32 am

    hehehe. kakatuwa naman at ang daming ilaw ng tricycle na yan. parang pwede ng service sa sayawan sa probinsya ang ilaw nyan.
    .-= blue rose´s last blog ..Some reasons to be grateful today! =-.

  13. September 12, 2009 at 4:18 am

    Alam mo, yung ingay naman niya ang na-miss ko in NY. Habang nagbabakasyon ako sa amin, alam na alam ko na nasa Pinas ako even with my eyes closed dahil sa ingay ng mga tricycles.
    .-= Nomadic Pinoy´s last blog ..Siargao Island =-.

  14. September 12, 2009 at 6:41 pm

    Soo cute! Nakakasilaw nga lang sya sa gabi.

    In our place in Antipolo, the only mode of transport are tricycles. I actually hate them because they’re obnoxiously noisy (especially sa gabi!) and they charge us a very high fee! Kainis.
    .-= Nebz´s last blog ..Fragmented thoughts of what was my weekend =-.

  15. September 12, 2009 at 9:39 pm

    that’s soooo cute!!! nakaka-miss din talaga ang tricycle kahit maingay sila :)
    .-= ibyang´s last blog ..Michael Jackson CDs =-.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *