witsandnuts » Kwentong Kayumangi

Tricycle
Isa sa mga nami-miss ko sa Pilipinas ay ang pagsakay sa traysikel o traysikol (tricycle). Iba’t ibang anyo, mayroong makulay mayroong simple, mayroong normal, mayroong parang iPod sa lakas ng sounds system.  Ang larawan sa taas ay natiyempuhan ko nang bumisita ako sa Pampanga noong isang taon. Sa ilang bayan sa Laguna, malalapad ang mga traysikel. Hindi siguro basehan ang lapad at timbang ng pasahero, pero dahil mas maluwang ang  lansangan doon.  Sa Antique naman, maliit ang traysikel pero talikuran ang istilo. Pwede pang sumakay ang apat sa likod.

Noong nagbakasyon ako sa Pilipinas, ang unang ginawa ko ay kumain ng taho na inilalako sa kalye. Sa susunod na pag uwi ko, malamang ang una kong gagawin ay kumain ng Jollibee chickenjoy at hopia na galing sa Binondo, at sumakay sa traysikel o dyipni (jeepney).

Pero hindi ako sasakay sa traysikel na may nakadikit/palamuti na letrang GMA.

Kwentong Kayumangi # 7: Undas
Ang Undas ay mas kilala sa tawag na Araw ng mga Patay o Todos Los Santos (na may kaakibat na birong “Todas” imbes na “Todos”).  Nakaugalian itong tawaging Undas sapagkat ito ay inoobserba sa unang (mula sa salitang “uno”) araw ng Nobyembre.  Ito ang unang pagkakataon na hindi ako nag obserba ng Undas sa Pilipinas.  Sa pagkakaalala ko, simula limang taong gulang  ako hanggang noong 2007, ay walang palya ang aming pagdalaw sa sementeryo tuwing araw ng patay.

Ang labi ng aming mga mahal sa buhay (mother side) ay sentralisadong nakalibing sa Laguna.  Ilang linggo bago sumapit ang Undas ay ginagawa ang lahat ng preparasyon bukod sa paglilinis ng hantungan.  Nakalakihan ko na ito ay masayang pagkakataon para sa aming pamilya.  Ito ay isa sa mga magandang pagkakataon para makita ko ang aking mga malalayong kamag anak.  Nalalaman namin kung may bagong miyembro sa kanilang pamilya (anak, napangasawa, at iba pa; Dati ilang beses nila akong sinabihan nang “ikaw na ba yan?  Ang laki laki mo na at lalo kang gumanda.” Haha.  Biro lang. May mga taon kasi na bigla ang aking pagtaas at pagbabago ng hitsura. Noon namang dalaginding na ako at tinitighiyawat, kung anu-anong payo ang sinabi nila).  Nakapagbabalitaan nang mga nangyari at nagboboluntaryo ng impormasyon at tulong lalo na kung kinakailangan.

Kaharap ang mga pagkaing dala ng iba’t ibang pamilya, para itong munting pagpipiging (reunion). Nakasisiguro kami na natutuwa ang mga yumao na masaksihan ito.  Nakakakilabot isipin, pero kung nakakapagsalita lamang sila, ay malamang na sasali sila sa aming kwentuhan at kulitan.  Lalo na sa mga parteng sila ang aming pinag uusapan.  Ang mga impormasyon at kwentuhan sa sementeryo ay pinapagpasa-pasahan na ng ilang henerasyon.  Sinasagot namin ang tanong nang mga nakababata, habang iniipon namin ang mga tulo ng iba’t ibang kulay nang kandila. Kinokorte namin itong pabilog at nilalagyan ng disenyo.

Sapagkat lumalaki ang populasyon nang aming lahi at hindi na ito kakasya sa aming munting museleo, nagkaroon ng oras sa pagbisita at pagbabantay sa sementeryo.  Subalit bago o pagkagaling sa sementeryo ay dumadaan ang lahat sa home base (bahay nang pinakapanganay na kapatid ng aking nanay) para sa simpleng salu salo at kwento.  Ang age bracket namin ay naka schedule nang alas 3:00 ng hapon.  Naaalala ko nung nasa haiskul at kolehiyo ako, ito ang isa sa mga perpektong pagkakataon para makita ko ang mga dati kong kamag aaral, mga kaibigan at kasama na rin ang pagsilay namin sa mga dati naming crushes.

Bandang alas 6:00 ng gabi ay nasa bahay na kami. Nanonood kami nang taun taong Magandang Gabi Bayan (noong panahon pa ni Noli De Castro) feature tungkol sa mga aswang, engkanto, at kung anu-ano pa.  Sa bahay ay magtitirik muli kame ng mga kandila hanggang sa mag ika-2 ng Nobyembre na.  Bukod dito, nagpapalitan rin kame ng kwentong katatakutan na naranasan namin mula pagkabata.  Ang pagdalaw sa akin sa panaginip ng lolo at lola ko, ang pagpaparamdam na naranasan nila mula sa mga kamag anak naming yumao, at iba pa.  Ito ay kwentong pinagpasa-pasahan, na kahit iba’t iba ang aming mga paniniwala, ay mananatiling bahagi nang aming tradisyon at pamilya.  At syempre pa, pagkatapos nang mga kwentuhan, paligsahan na ng mga duwag sa pagtulog ang kasunod.

Ilang milya at 8 oras na paglipad ang layo ko sa Pilipinas ngayon.  Muli kong naranasan ang homesickness.  Hindi nila inoobserba ang Undas dito sa Emirati.  Pagkagaling ko sa misa at pagkatapos mamili nang ibang gamit kanina ay nasa bahay lamang ako.  Mabuti na lamang at mayroon nang cellphone, computer at iba pang sangay nang teknolohiya, naramdaman ko na kasama nila ako ngayong Undas.

Kumusta ang paggunita mo nang Undas?  Sana ay hindi natin nakalimutan ang tunay na diwa nito.

Kwentong Kayumangi # 6: Dehado
Nabanggit ko rito ang pagdating ng mahigit kumulang 200 na Pinoy taxi drivers sa Abu Dhabi.  Marami ang natuwa nang magdesisyon ang Tawa Sul Car Company na mag empleyo ng mga Filipino.  Oportunidad.  Noong isang linggo, sa magkaibang pagkakataon, may nakausap akong dalawang Pinoy na empleyado-drayber para sa naturang kompanya.  Noong nasa Pilipinas pa ako, may pagkasuplada (o sabihin nating pagiging maingat) ako sa mga hindi ko kakilala.  Pero nang nangibang bansa ako, kahit hindi ko kakilala at nginitian ako o binati ay malugod ko ring binabati.

Ayon sa unang Pinoy drayber, masayang masaya sila sa mga kundisyon na nakalagay sa kanilang kontrata.  Libre ang bahay, may buwanang sweldo at libreng tiket pauwi.  Para sa dalawang taon ang kanilang kontrata.  Hindi natupad ang napag usapang buwanang sweldo.  Kung ano ang sosobra sa kanila boundary, iyon na lang ang mapupunta sa kanila.  May ilan sa kanila na nagsumbong sa Labor Office.  Ngunit ang payo ng Filipinong opisyal ay bumalik na lamang sa employer. Wala silang magagawa.  Ang mangilan ngilan na hindi makatiis ay umuwi na sa Pilipinas ngunit sariling gastos nila. Tinanong ko sya kung may plano syang umuwi na rin.  Wala raw.  Kahit hindi nasunod ang napag usapan, mas magaang pa rin daw ang buhay dito at nakakaipon sya.

Ang pangalawang drayber ay ganun din ang sinabi.  Ang pagkakaiba nga lamang ay walang bahid ng sama nang loob sa kanyang boses.  Mararamdaman ang pagiging kuntento sa kanyang sitwasyon.  Kahit pa diretsahang panlalamang ang nangyari.  Malugod nyang inihayag ang mga tulong na nagawa na nya para sa kanyang pamilya at kamag anak kahit pa tatlong buwan pa lamang sya rito.

Hindi lamang ang mga OFW-drayber ang may problemang ganito.  At sa ibang parte nang mundo ay posibleng nangyayari ito. Mayroon ding empleyado sa iba’t ibang kompanya na hindi naman nasusunod ang ipinangakong libreng tiket para taunang bakasyon.  O kaya naman ay nababago ang suma ng buwang pasweldo.

Sa kabila nang lahat, nagsasawalang-kibo ang mga Pinoy sapagkat hindi sila maipagtanggol ng kinatawan ng Pilipinas sa embahada.  At gaya nga nang sinasabi ng karamihan, dehado man sila ay mas gusto pa rin nilang manatili sa ibang bansa dahil sa naikumpara nila ang gaan at hirap nang pagkita sa Pilipinas.  Ang masakit na katotohanan, kahit na nasa sariling bayan sila ay lalong hindi sila ligtas sa panlalamang.

Kwentong Kayumangi # 5: Kung kaya't natuto akong kumain sa palikuran (CR)
Masaya ako sapagkat sabado ngayon. Karamihan sa mga opisina sa UAE ay walang pasok tuwing biyernes at sabado, ito ang aming weekend.  Sapagkat linggo na bukas, mababago na uli ang oras ng aking pagkain.

Nagsimula na ang Ramadan noong Setyembre 1, lunes.  Ito ang pinakaaabangang sandali ng mga Muslim. Ayon sa Kalendaryo ng Islam, ang ika-siyam na buwan ang tinutukoy na panahon kung saan ang Qur’an ay inilahad kay Anghel Gabriel, na inilahad naman sa Propetang si Muhammad.  Isang buwang ipinagdiriwang ang Ramadan.  Kung kaya noong Agosto 31, namahagi sila ng minatamis (sweets) gaya ng nasa larawan sa itaas, bilang pagpapakita ng kanilang kasiyahan.  Tinikman ko ito, lasang chocolate mousse.

Sa tuwing Ramadan, ang mga Muslim ay hindi pwedeng kumain simula bukang liwayway (dawn) hanggang takipsilim (sunset).  Sapagkat ako ay Katoliko, hindi ko ito inoobserba lalo na noong ako ay nasa Pilipinas pa.  Ngunit ngayong ako ay nasa Abu Dhabi na, hindi na ganoon kasimple ang lahat.

Ako ay nakahimpil ngayon sa opisina ng aking kliyente (client based), kung saan karamihan ay lokal at Muslim ang empleyado.  Ako lamang ang Filipino doon. Kung kaya’t ako ay parang nag aayuno (fasting) rin.  Ang sino mang Muslim na makikitang kumain o uminom nang kahit ano ay ikukulong at hahagupitin ng latigo. Ang mga buntis, batang may edad na 6 na gulang pababa, at iyong may mga karamdaman ay hindi obligadong mag ayuno.  Hindi lamang ito pag aayuno sa pagkain at pag inom, gayun din sa pag iisip nang masama at sekswal na gawain.  Nakakatuwang makita ang reaksyon nang mga katrabaho kong Muslim.  Magandang marinig mula sa kanila na alam nila ang dahilan ng kanilang pag aayuno.  Pinaniniwalaang ang kanilang sakripisyo ay may magandang kapalit. At ito ang panahon kung saan mayaman o mahirap man na Muslim ay pantay pantay lamang – hindi sila pare parehong kumakain.  Tama ring isipin na ito ay isa sa mga pinakamagandang pagkakataon para makahalubilo sila, sapagkat puro kabutihan ang kanilang iniisip.  Kaya pala noong nadestino kami sa Cotabato noon, itinapat na Ramadan para mas malaki ang tsansa nang kaligtasan namin.  Medyo magulo kasi noon doon.

Nababago rin ang oras ng opisina sa tuwing Ramadan. Karaniwan ay nababawasan ito nang 3-4 na oras.  Tama lamang iyon.  Napakahirap nga namang gumana nang isip at kumilos nang walang laman ang iyong sikmura.

Subalit dahil ako ay Katoliko, ako ay inobliga ng kliyente na magtrabaho pa rin nang normal na haba ang oras.  Walang namang problema roon.  Ang ginagawa ko ay kumakain na ako nang mabigat na almusal (heavy breakfast)  sapagkat ang susunod ko ng kain ay sa hapunan (dinner). Noong unang dalawang araw, naririnig ko ang tunog nang aking tiyan kapag alas dos o alas tres na ng hapon.  Naranasan mo na ba iyong ganun?  Iyong nakakahiyang tunog kapag kumakalam na ang sikmura?

Okey lang sa akin ang hindi kumain nang pananghalian.  Subalit nakakapanghina pala kapag wala akong iniinom na kahit anong likido mula alas 7:30 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi.  Sarado kasi ang pantry .  (Masaya ang mga taga timpla ng kape at taga silbi ng pagkain.  Magaang na ang trabaho nila sa buong Setyembre.)  Pwede akong magbaon ng tubig.  Subalit kailan (at hindi paano) ko ito iinumin?

Lilinawin ko lang.  Hindi naman kami bawal uminom at kumain.  Pero kailangan gawin mo ito nang patago (discreetly). Syempre, bilang respeto sa mga nag aayuno.  Nakakaasar ang pakiramdam kapag tinatakam ka, hindi ba?  Maswerte ang ibang mga kasamahan ko  na malayang nakakainom at nakakakain sapagkat nasa isang lugar sila at nagsasara na lamang sila nang pinto.  Subalit ako ay may kaparte sa aking kwarto, at syempre pa, imposibleng hindi nila maamoy at marining ang aking pagnguya.  Ako kase pag gutum na gutom na, lalong nagiging malakas ang pang amoy at pandinig ko.

Naaala ko tuloy ang huling lingo nang pananghalian ko. Buti na lang naidokumento ko ito.

Mushroom jack, arabic bread, spicy seafood rice, zaayat (arabic food), chicken burger at fries, at tuna sandwich na ang sukat ay 3/4 mula sa siko ko hanggang sa dulo ng mga daliri ko sa kamay.

Ang istilo ko ngayon ay pupunta ko sa palikuran (CR) at kukunin ang isang mini-size na snickers, cadburry, o kahit anong tsokolate kapag alas dos na ng hapon.  Kakainin ko iyon habang ako ay nakaupo sa trono (bowl).  Pagkatapos noon ay solved na ako.  Sa mga hindi nakakaalam, adik ako sa tsokolate.  Iyan ang ultimate energy booster ko.  Mabuti na lamang at mabango at malinis sa loob ng palikuran.  Hindi ko inakalang isang araw ay matututo akong kumain sa lugar na ito. Nangingiti ako kapag naiisip ko ito.  Sapagkat linggo na bukas, may pasok na kami.  Pinag iisipan ko kung may mini-size na lalagyan nang tubig na pwede ko mailagay sa bulsa o blazer.  Hehe.  Bahala na.

Ang mga realisasyon ko:

Kahanga hanga ang disiplina nang mga taong taus-pusong nag aayuno;

Hindi na baleng huwag akong kumain, basta mayroon akong iniinom na tubig;

Kumain tayo nang responsable, isipin natin ang mga taong naghihirap at nagugutom;

Kapag may taong nagtatagal sa palikuran, hindi konklusibo na siya ay nag oorasyon.  Baka palihim syang ngumunguya kagaya ko;

Tamang tama, papayat ako dahil nadidiyeta ako;

Mag ingat sa taong gutom, hindi lahat nakakapag isip nang maayos. Hehe.  Wala pa naman akong nakitang uminit ang ulo;

Ang malas na pagkakataon ay kung gutum na gutom ka na, may makakasalubong ka pang may masansang na amoy.  Hahaha.  Mabango naman silang lahat sa opisina nang kliyente ko; at

Ikaw, ano pang naiisip mo?

Kwentong Kayumangi # 4: Ano ang lihim ng iyong pangalan?
Ano nga ba ang tamang basehan nang pagbibigay ng pangalan sa isang tao? Naalala ko ang ikinuwento nang pumanaw kong Lola. Dati raw ay sa mismong araw ng kapanganakan pa lamang iniisip kung ano ang ipapangalan sa sanggol. Ngunit sa makabagong panahon, ilang buwan bago ang kapanganakan ay nakahanda na ang ipapangalan kung sakaling ang sanggol ay babae o lalaki. Sa Pilipinas at ibang bansa, kadalasan ang kasarian ng sanggol ay alam na. Ngunit sa ilang piling bansa, kagaya ng India, ipinagbabawal ang ultrasound, sapagkat ito ay hindi naaayon sa kanilang tradisyon.

Noong ako ay nasa haiskul, nakarinig ako ng kakaibang pangalan sa unang pagkakataon. Kung ano ang kanyang apelyido ay iyon din ang eksaktong pangalan niya. Ang dahilan? Ayon sa kanyang mga magulang, para raw madaling tandaan sa tuwing isusulat ang pangalan noong siya ay nasa elementarya pa lamang. Simula nang napunta ako sa Gulpo, muli kong naengkuwentro ang ganitong kumbinasyon ng pangalan. Sina Mohammed Mohammed, Mohammad Mohammad, at marami pang iba.

Bukod sa inuulit na kumbinasyon ng pangalan, mayroong ding napakahirap bigkasin at pagkahabang pangalan nang ibang lahi. Nang lumaon, napag alaman ko na ito ay parte ng tradisyon nila. May mga lahing kailangan na maging parte ng pangalan nila ang pangalan o/at apelyido ng kanyang mga kamag anak.  Mayroon din namang ibinabase ang pangalan ng sanggol ayon sa horoscope nya (isang tradisyon sa India). At ang nagbibigay ng pangalan ay ang isang mentor ng grupo nila.

Ayon naman sa modernong Feng Shui, masuwerte ang mga pangalan na ang suma ay odd number. Mayroon din namang pangalan na base sa Gregorian calendar. Ang mga anak naman ng komedyanteng si Bayani Agbayani ay pinangalanang Rosalinda at Thalia sapagkat kasikatan ng teleseryeng/artistang ito noong nanganak ang misis nya. Dumating din ang panahon na naging 2 at 3 pangalan na (halimbawa, Maria Cristina Agatha) ang nauso, mayroong panglalaking pangalan na ibinibigay sa babae na sanggol, o ang kabaligtaran nito.

Interesante rin ang mga kaso ng mga pangalan na sinaliksik muna ng mga magulang ang kahulugan bago ito napagdesisyunan. Sapagkat nais nilang maging representasyon ito ng anak niya. Tama lamang iyon, sapagkat nakakabalisa naman kung pangangalan mo ang sanggol ng “Makisig” o “Maganda, Lovely, Pretty” kung siya naman ay saksakan nang pangit. Mayroon akong kaibigan na ang ipapangalan sana sa kanya ay “Sophia”, hindi dahil sa kahulugan nito. Sapagkat siya ay aksidenteng ipinanganak sa sofa. Hindi na umabot sa ospital ang nanay niya.

Noong bata pa ako tinanong ko ang aking tatay kung hango sa bibliya ang pangalan niya, ang asawa ni Birheng Maria. Subalit hindi. Ayon sa kanya, noong ipinanganak siya ay wala pang nakahandang pangalan para sa kanya. Kaya’t kinopya ang pangalan niya sa kanyang pinsan at tiyuhin. Kaya tatlo silang may pangalang Jose sa kanilang angkan. At sa tingin ko ay mahal na mahal nila ang pangalang iyon. Kung kaya’t nang ipinanganak ako, ang pangalan ko ay hinango rin doon. Iyon ang lihim ng aking pangalan, Jocelyn.

Nang ako ay dalagita na at nagsimula ko nang magustuhan ang serye ng Spiderman, nagkaroon ako nang nakakatawang kahilingan. I wished that I was named Mary Jocelyn instead. Para ang palayaw ko sana ay MJ, gaya ng kapareha ni Peter Parker na si Mary Jane (MJ). Hahaha.

Ikaw, ano ang kwento ng iyong pangalan?

Kwentong Kayumangi # 3: Ano ang gagawin niya sa sandamakmak na sabon?
Isang buwan na ang nakakaraan nang may nakasabay akong Filipina sa pila sa kahera (cashier) nang Carrefour (isang malaking supermarket sa UAE).  Nagtaka ako dahil sandamakmak (napakadami talaga) na sabong Lux ang kanyang pinamili at kasalukuyang binabayaran noon.  Inisip ko na paborito niya ang  brand nang sabong iyon o kaya naman ay may ari siya nang isang paupahang gusali at eksklusibo ang sabon na ginagamit doon.

Habang nasa pila, tumingin siya sa akin at nginitian ako.  Hindi ko napigilan na magtanong, pero hindi naman ako tsismosa, mahilig lang ako mag obserba.

Ako:  Bakit ang dami mong biniling sabon?

Siya: Uuwi kasi ako sa Pilipinas.

Ako: Pasalubong?

Siya: Oo (sabay ngiti).

Ako: Bakit puro sabon?

Siya: Para mura lang pambigay sa mga kamag anak.

Ako: Hindi ba mayroon din sa ating ganyang sabon?

Siya: Iba ang Lux na sabon dito.

Ako: Mas mabango?

Siya: Hindi naman. Arabic kase ang nakaimprenta sa balot nang sabon. Imported.

Ako: Aaaah.

Bigla akong napaisip. Sa totoo lang, hindi naman lahat ng lahi ay sanay na magpasalubong. Pero likas na sa mga Filipino ang maging maalalahanin. Ang mga pamilyadong tao, pagkagaling sa trabaho ay nag uuwi nang munting pasalubong sa madadatnan sa bahay, ang mga nanggaling sa out-of-town assignment, may dalang pasalubong sa mga kaopisina, at iba pa.

Noong nandito na ako sa Gulpo, nagbakasyon ang isang kaopisina (ibang lahi) ko sa Singapore at ang iba pa sa kanilang bansang sinilangan. “Ano ang iyong ipapasalubong sa pamilya at mga kamag anak mo?”, tanong ko. “Wala”, sagot niya. “E, ano naman ang ipapasalubong mo sa mga malalapit mong kaibigan pagbalik mo dito?”, tanong kong muli, “Syempre, lalong wala”, sagot nya. Oo nga naman. Tinitigan niya ako at sinabing, “we just come and go, we don’t bother to bring and receive anything.”

Praktikal sila. Pero para sa mga Filipino, galing man sa ibang bansa o hindi, ito ay isang kaugalian na para bang napakalaking kasalanan kung dadating ka na wala kang bitbit man lang. Bigla ko tuloy naalala ang mga kamag anak at kaibigan ko na nagbigay nang pasalubong sa akin. Ang isang tiyahin ko na nanggaling sa Italya, binigyan ako nang napakalaking garapon ng Nutella. Naisip ko mayroon din naman noon sa Pilipinas. Pero iba ang lasa nang Nutella na galing talaga doon. At ang bigat nang garapon na kanyang dinala. Mayroon ding nagpasalubong sa akin ng sisidlan (bag), pantalon ( skinny jeans), at iba pa na hindi ko naman ginamit sapagkat hindi ko nagustuhan. Nakatago lamang ang mga ito sa aparador sa Pilipinas.

Sa tuwing naaalala ko ang kwento nang sandamakmak na sabong Lux, lumalambot ang puso ko. Nakukunsensya ako sa mga pasalubong na ibinigay sa akin na hindi ko nagustuhan. Ngayon ko naappreciate ang binuburo kong bag at skinny jeans. Naaalala ko si Kabayang mahilig sa sabong Lux. Sabi nga niya, iyon ang binili niya sapagkat iyon ay murang pasalubong (at syempre may sulat na ibang lengguwahe!) sa kagustuhan niyang mabigyan ang lahat nang kamag anak nya. Hay. Masuwerte ang mga taong walang limitasyon sa pananalapi, na mabibili niya kung anuman ang naisin niyang ipampasalubong. Sky is the limit. Subalit paano kung limited ang budget nila?

Lalo akong nakakarelate ngayon sa kwento ng pagpapasalubong nang ako ay nasa ibang bansa na. Sapagkat ako ay uuwi sa Disyembre para magbakasyon, ako ay nagsisimula nang maglista nang ipapasalubong ko sa mga piling tao. Iyon lamang maaalala ka at maisama sa listahan nang pasasalubungan ay nakakataba na nang puso.  Doon mo pala marerealize kung sino ang unang naiisip mo at ang mga taong hindi mo magagawang kalimutan.

Kaya ikaw (at ako rin!), it doesn’t matter kung ano ang matatanggap mo. It’s really the thought that counts. Kaya nga ba, bibili na ako nang maraming maraming sabong Lux bilang preparasyon sa pag uwi ko.  Heehee. Biro lang.

May naisip ka bang kwentong tungkol sa pasalubong? Ano ba ang magandang ipasalubong sa mga kamag anak, kaibigan, at iba pa?

Kwentong Kayumangi #1: Ayoko munang mag Ingles
Nagulat ka ba? Siguro akala mo naligaw ka ng pahina. Siguro lang. Gaya ng naisulat ko dito, simula ngayong Agosto lingguhan akong magsusulat sa Wikang Filipino. Naisipan ko ito dahil medyo nakakasabik magsalita at magsulat sa sariling wika kapag ikaw ay dayuhan sa ibang bansa. Naninibago at kinakabahan ako hindi dahil inglesera ako, dahil marami ng naging transisyon sa kwalidad ng pananagalog ko.

Ipinanganak ako sa isa sa mga siyudad sa Pilipinas, na ipinangalan kay dating Presidente Manuel Quezon. May mga naging kalaro akong inglesera, batang lansangan, iba iba sila. Lumipat kami sa Laguna ilang buwan bago ang ika-5 kaarawan ko. Wala akong gaanong ibang kalaro bukod sa mga pinsan ko. Kaya naisipan ng mga magulang ko na isaling pusa ako sa unang baitang kahit hindi pa ako nag-kinder. Wala munang bayad na matrikula. Noong sinabi ng gurong tagapayo na nakakasunod ako sa mga leksyon, naging regular na estudyante na ako. (Yun ang dahilan kaya 19 pa lang ako noong huling taon ko sa kolehiyo. Hindi po ako henyo at minadaling ilipat sa mas mataas na baitang gaya ng inakala ng ibang kaklase ko.)

Sapagkat lumaki ako sa Laguna, sa Rehiyon ng Timog Katagalugan, ako ay naging matatas sa pananagalog. Magaling ang mga naging guro ko sa asignaturang Filipino. Alam ko kung kelan ko gagamitin ang rin at din, ang gamit ng pang angkop, at iba pa. Pero noong ako ay tumuntong sa kolehiyo, madaming naging impluwensya sa aking pananalita.  Nabawasan ang katatasan.

Sa Pamantasan, madami akong naging kaibigan, kagrupo, kaklase na galing sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas. Nagkaroon ng transisyon sa aking pagsasalita ng wikang Filipino. Nahaluan ng Tagalog istayl Ilonggo, Ilokano, Kapampangan, Manilenyo, Bicolano, at marami pang iba. Karagdagan pa ang mga naging kaklase ko sa Edukasyong Pampisikal na mga Koreana. Ang lahat ng ito ay mahalagang yugto sa aking buhay estudyante. Natuto ako ng iba’t ibang kultura kasama na ang simpleng kaalaman sa kanilang pananalita.

Noong bakasyon pagkatapos ng aking unang semestre sa kolehiyo, nagkrus ang landas namin ng isang kapanabayan* ko nung haiskul. Magkaiba kami ng Pamantasan.  Nagulat ako sa aming pagkwekwentuhan/pagdadaldalan. Naku, anong nangyari sa dila niya? Bakit hindi na sya marunong mag Filipino? Natuwa ako imbes na mainis kasi parang magandang pagbabago yun, hindi ba? Isipin mo isang semestre pa lamang na nahipan ng Maynila ang dila niya, ang laki na ng pagbabago.

Kada pagkatapos ng isang semestre nagkukrus ang landas namin (hindi namin sinasadyang magkita). Hanggang may pagkakataon na parehong pareho na kame ng lengguwahe. Ibig sabihin, ang mga pagbabagong iyun ay hindi namin sinasadya o kaya’y nabantayan. Mayroong nauunang maimpluwensyan, mas madaling makibagay.  Hindi lamang sa pananalita. Nang lumaon, natutunan ko ng makibagay depende sa kung sino ang kausap ko.

Nang ako ay nagsimula ng magbanat ng buto, mas maraming naging hamon at impluwensya sa aking pananalita. Sa uri ng aking propesyon, ako ay naging panloob at panlabas na tagasuri**, maraming ulat na kailangang gawin. Natutunan ko ring makibagay sa iba’t ibang panlasa ng taga-basa at taga-gamit ng aking ulat. Masaya pag nakukuha ko agad ang kanilang kiliti. Karagdagang sikap (na mas masaya) habang hinahanap ko pa ang kanilang eksaktong panlasa.

Sa pagpunta ko sa ibang bansa nitong Enero para sa parehong propesyon, madami na namang naging transisyon sa aking pananalita. Sa pagbaybay, salitang pangdiwa, ibang iba. Sapagkat ang ginagamit dito ay Ingles ng Britanya, iba sa aking nakasanayang Ingles ng Amerika. Nag iba na rin ang aking punto, sapagkat iba’t iba ang aking nakakausap. Nagagaya ko ang puntong Britanya, Gulpo, Indyan, Canadian, at iba pa. Nang minsan nakausap ko ang isang kababayan, nagulat siya dahil iba na akong magsalita, wala na ang puntong kayumanggi. Nagulat din ako. Kasi hindi ko na naman nabantayan at namalayan ang mga pagbabago.

Nagkaroon ng Ispesyal na bakasyon ilang buwan na ang nakakaraan, inimbitahan ako (at ang ilang kababayan na kasamahan ko sa departamento) ng isang grupo ng ibang lahi sa pagpunta sa isang magandang isla dito. Nagpahindi ako dahil may iba na akong plano. Hindi ko makakalimutan ang pabirong dahilan ng isang kababayan, “Ayoko ngang sumama. Walang pasok, pagkakataon ko ng hindi mag Ingles. Hindi ako gaanong magsasaya sa isla, katakut takot na Ingles-an na naman.” Hahaha. Oo nga naman.

Ikaw? Anong naalala mo habang binabasa mo ito?

Salamat sa pagbasa mo ng unang pagsubok ko na mag blog sa wikang Filipino. Marami pang butas, hindi ito perpekto, kaya huwag kang mahihiyang magkomento kung may mali sa pananagalog ko, ha? Basta, bawal ang Ingles pag nagkomento ka.  =)

(*batchmate, **internal and external auditor)